Linggo, Oktubre 14, 2012

Gusto mo ba Magnegosyo?

Sa malamang, lahat tayo ay sasagot ng OO sa tanong na ito. OO, gusto ko magnegosyo. Ang sagot na OO ay sa kadahilanang gusto mong kumita. Kahit na wala kang alam sa pagnenegosyo ay sige sasagot ka ng OO. Wala namang masama sa sagot na OO. Dahil kahit sino naman ay gusto kumita ng pera. Sa panahon ngayon, bawat kilos mo ay katumbas na presyo. Pero kahit na maganda ang ideya ng pegnenegosyo, siguro isipin mo muna kung kaya mo ba. May sapat na kaalaman ka ba sa pagnengosyo? Kung magnenegosyo ka, anu namang klaseng negosyo papasukan mo? May kapital ka ba? May oras ka ba? Higit sa lahat, tanggap mo ba na ang pagnenegosyo ay parang sugal; minsan talo, minsan panalo?

Kung ayaw mo ng sugal, hindi mo din gugustihin ang negosyo.

Ang pagnenegosyo ay sugal. Walang kasiguraduhan kung kikita ka o malulugi. Kung kumikita ka man, hindi mo alam kung tuloy-tuloy ang kita o panandalian lang. Sa kabilang banda, meron namang negosyo na nagtatagal, tuloy-tuloy ang kita, at walang lugi.

Kung ayaw mong malugi, hindi mo din gugustuhin ng negosyo.

Hindi ko alam ang totoong nangyayari pero siguro lahat ng matitibay na negosyo ngayon ay nakaranas ng pagkalugi. Ang kgandahan lang eh, hindi sila sumuko. Tinanggap nila na may pagkakataong malulugi ka. Pero imbes na sa pagkalugi sila tumutok, inisip din nila na may pagkakataon kang bumangon sa negosyo. Oo, posibleng posibleng malugi ka, pero napaka-posible ring bumawi. Nasa tamang pag-uugali lang sa pagharap ng hamon ng pagkalugi.

Kung wala kang oras, hindi mo din gugustuhin ng negosyo.

Noon, sabi ko sa sarili ko, gusto ko talagang magnegosyo. Marami na akong napasukang maliliit na negosyo. Pero hanggang simula lang. Bakit? Kasi wala akong oras. Bukod sa nagta-trabaho ako, may mga gawain ako sa bahay na hindi ko pwedeng ipagpaliban. Wala akong oras. Pero nung nagbigay ako ng oras para sa negosyong gusto ko, doon ko nadiskubre na ang pagbibigay ng ORAS kahit ay napakahalaga. Sa gabay ng Diyos, at sa pagtyatyaga ko, nakaka-dalawang taon na ako dito sa negosyo ko.

Kung wala kang pera, hindi mo din gugustuhin ng negosyo.

Natawa ka ba? Siguro. Pero totoo ito. Paano ka megnenegosyo kung wala ka man lang isang kusing. Wag kang maniniwala kapag may kumausap sa yo at nag-alok ng negosyong hindi ka man lang papagastusin kahit isang kusing. Peke iyon. Siyempre dapat may kapital. Kung gaano kalaki o kaliit ay depende sa negosyong papasukan mo.

Kung ayaw mong magtipid, hindi mo gugustuhin ng negosyo.

Para sa akin, ito ang pinakamahalaga. Maraming nesgosyo ang bumagsak kasi hindi nila napa-ikot ng tama ang negosyo nila. Nung kumikita, ginastos ng ginastos hanggang sa mawala na lahat. Tandaan, may mga panahong hihina ang kita mo sa negosyo, kapag matipid ka, hindi ka mauubusan ng pampa-ikot na pera. Kaya importante na maging matipid kapag nagnenegosyo.

Sana ay nagustuhan nyo ang mensahe ko. Marami pa akong ibabahaging tungkol sa pagnenegosyo pero bago yun, magbabahagi muna ako tungkol sa pagtitipid.

Hanggang sa muli mga kabayan!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento