Huwebes, Oktubre 11, 2012

Magtipid ay Di Biro

Welcome sa inyong lahat! Salamat at bumisita kayo sa aming blog. Ito ay blog ng isang grupo na gustong makatulong sa bawat Pinoy sa mga paraan ng pagtitipid. 

Tanggapin na natin ang katotohanan. Hindi na natin mapipigilan ang panahon. Pataas ng pataas ang presyo ng bilihin pero hindi halos gumagalaw ang sahod. Huwag tayong tumunganga. Kasi may magagawa tayo. Gamitin natin yung mga likas na kaugalian ng isang pinoy: matiisin, mapag-pasensya, matipid, at mababaw ang kaligayahan. =) 

Maganda naman yung mababaw ang kaligayahan; kasi ibig sabihin nito, sa simpleng bagay lang, masaya na tayo. Kaya nga nagtataka ang mga foreigners sa atin eh. Akala nila may mga sapak tayo kasi palagi tayong nakangiti. Sabi nila; ang dami-dami nating problema, pero always smiling daw tayo. Eh ano magagawa natin? Nilikha tayo ng Diyos na sadyang masayahin. 

Ang pinoy, matiisin, mapagpasensya, at matipid. Pero dito sa blog namin, itatama natin ang mga maling konsepto ng tatlong kaugalian na ito. May hangganang ang pagpapasensya at pagtitiis. Sa pagtitipid din, hindi ito para sa lahat ng bagay. May mga bagay na hindi dapat tinitipid. Itong mga ito ang ibabahagi namin sa masayang blog na ito.

Sana lagi kayong bibisita!

Salamat!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento